Once Upon A Time

Chapter 6



Chapter 6

“SO YOU are saying that Dean kissed you? Wow! Isa siyang tunay na Hokage!”

Naramdaman ni Selena ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa sinabi ni Chynna, ang best friend niya mula

pa noong highschool hanggang ngayon na may kanya-kanyang trabaho na sila. Mabuti na lang at nasa

office niya sila nang mga sandaling iyon. Sa Selena’s iyon, ang mismong shop niya kung saan naka-

display ang mga damit na puro siya lang ang nagdisenyo.

Soundproof ang office niyang iyon kaya siguradong walang ibang makakarinig sa kanila ni Chynna

kundi ay kanina pa niya tinakpan ang bibig nito. Isang sikat na artista na ngayon si Chynna sa buong

bansa. Pareho silang abala lalo na ito pero sinisikap nilang magkita at maglaan pa rin ng oras para sa

isa’t isa kahit isang beses sa isang bwan.

Kay Chynna lang ikinumpisal ni Selena ang namagitan sa kanila ni Dean. Dahil ito lang ang

mapagkakatiwalaan niya at alam niyang magiging totoo sa kanya. Mula pa man noon ay hindi na ito

pabor kay Adam para sa kanya. Pero alam niyang hindi ito kaagad manghuhusga anuman ang sabihin

niya. Gaya ng dati ay titimbangin na muna nito ang sitwasyon, isang bagay na hindi niya maunawaan

kung bakit hirap na hirap siyang gawin ngayon.

Gulong-gulo na ang isip ni Selena. Simula nang halikan siya ni Dean halos isang linggo na ang noveldrama

nakararaan ay walang araw na lumipas na hindi niya na iyon inisip. At sa mga pagkakataong iyon ay

nabubulabog siya ng kakaibang bilis ng tibok ng puso niya na datirati ay sa iisang lalaki niya lang

nararamdaman. At… natatakot siya.

Effective ang ginawa ni Dean noong gabing iyon. Totoo ngang na-distract siya sa ginawa nitong

paghalik sa kanya. Pero dahil rin sa halik na iyon kaya hindi na siya tuluyang naka-attend sa fashion

show. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkailang sa binata nang itulak niya ito matapos siyang

halikan. Pinaalis niya rin ito kaagad. That night, she knew she needed to be alone to think.

But damn it. Puro ang malalambot na mga labi ng binata ang pumapasok sa isip niya. Puro ang mga

mata nito na parang puno ng napakaraming emosyon sa tuwing tumitingin sa kanya ang halos hindi

nagpapatulog sa kanya gabi-gabi. Ang mga salita ni Dean na para bang parating puno ng pagsuyo sa

tuwing kinakausap siya ang paulit-ulit na naaalala niya. At ang mukha nito, kahit pa nakapikit siya ay

nakikita niya sa isipan niya.

And now she was stuck with Dean. She was stuck with the memory of their kiss, of his face, of

everything about him. Ayaw mang aminin ni Selena pero hindi mabura-bura sa isip niya ang masarap

na pakiramdam ng mga labi ng binata sa mga labi niya. Para bang isa iyon sa mga pinakatamang

bagay na nangyari sa buhay niya.

At ngayon ay hindi niya na alam kung paano pa muling haharapin si Dean. Mabuti na lang at hindi na

sila nagkikita pa. Kahit ito ay hindi rin nagpaparamdam sa kanya na para bang umiiwas rin hindi gaya

noon na nakakatanggap pa siya ng tawag mula rito tuwing umaga at tuwing gabi bago siya matulog

simula nang maging magkaibigan sila.

At… hinahanap-hanap na niya ang boses nito. Gusto niya iyong muling marinig pero magiging

komplikado lalo ang mga bagay kung ipipilit niya ang gusto niya lalo pa at naguguluhan siya sa

nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung desperado lang ba siya sa atensyon na ipinagkakait sa kanya ni Adam kaya siya

nagkakaganoon ngayon kay Dean. Ganoon pa man ay napaka-unfair niyon para sa magkapatid.

God… what have I done?

“Mahal mo pa ba si Adam?” Mayamaya ay narinig niyang seryoso nang tanong ni Chynna.

Mula sa sketch pad ay nag-angat ng mukha si Selena. Nahuli niya ang kaibigan na hindi na sa kanya

nakatingin kundi sa sketch pad niya. Wala sa loob na sinundan niya ang tinitingnan nito. Napaawang

ang bibig niya nang makitang ang mukha ni Dean ang siyang nakaguhit roon.

Ni hindi niya namalayan na ang binata na pala ang naiguhit niya imbes na ang disenyo ng gown na

ipinapagawa sa kanya ng kanyang mga kliyente. Nagmamadaling pinilas niya ang papel at nilukot.

Ibabato niya na sana iyon sa naroong trash can nang mabilis na agawin iyon sa kanya ni Chynna.

Inayos ni Chynna ang papel at masusing pinagmasdan sa kabila ng pag-awat ni Selena rito. “I’ve

always admired your hands, Lena.” Mayamaya ay tumatango-tango pang wika nito. “Dahil hindi ka lang

basta magaling mag-design ng damit. Magaling ka ring gumuhit ng mukha ng tao. But as far as I know,

bukod sa mukha ng mga magulang mo, bukod sa mga cute na tsikiting na nakikita mo at bukod sa

napakagandang mukha ko, wala ka nang ibang ginuguhit. Kasi nagpa-powetrip ka lang naman sa

pagguhit kahit pa ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na pwede mong pagkakitaan ‘yang isa pang talent

mo na ‘yan.

“Ni minsan, hindi mo pa nai-drawing si Adam, right? Isang bagay na ipinagtataka ko. Parati mong

sinasabi na kailangan mo na muna ng mapagkokopyahan ng mukha niya bago mo gawin iyon. But

here was Dean now. At sa palagay ko, mukha namang wala kang kopya ng picture niya pero mahusay

mo pa rin siyang naiguhit na imagination mo lang ang gamit mo. Kuhang-kuha rito ang paraan ng

pagngiti niya. It was such a tender smile that for a while, just looking at it made me speechless. Ganito

pala siya kung ngumiti sa ‘yo.” Sumunod na kinuha ni Chynna ang sketch pad ni Selena at sinilip iyon.

Kahit siya ay nagulat nang makitang puro mukha rin ni Dean ang nakaguhit roon. Ni hindi aware si

Selena na nagawa niya iyon. Ang alam niya lang ay iyong pagka-torete na nararamdaman dahil sa

oras na pumasok na si Dean sa isipan niya ay para bang nag-e-enjoy na ito roon at hirap na siyang

paalisin.

Naituwid niya ang likod nang bigla na lang hampasin ng malakas ni Chynna ang mesa niya. Gulat na

namang napatingin siya sa nakangisi na ngayong mukha nito. “Chynna, what on Earth-“

“Ako pa rin ang kausap mo. Kaya subukan mo na munang ibaling sa akin ang atensyon mo, best

friend.” Hindi nawawala ang ngisi na wika ni Chynna. “What? Do you still love Adam or not? Dahil kung

hindi na, umisip na tayo ng paraan ngayon pa lang kung paano ka makakatakas mula dyan sa hindi ko

mapaniwalaang paniniwala ng papa mo tungkol sa kasal. Do’n ka na lang kay Dean. Kahit pa may

pagka-Hokage siya, alam mo namang una pa lang na nakita ko siya, magaan na ang loob ko sa kanya.

He’s still a mystery, yes, but I often feel his sincerity towards you, Selena. At alam mong bihira akong

magkamali sa pagkilala sa isang tao.”

Nagkibit-balikat si Chynna. “Isa pa, parati kong napapansin kung paano siya tumingin sa ‘yo kada may

events sa pamilya nyo. At ‘yong mga ginagawa niya para sa ‘yo sa nakalipas na mga taon, sa tingin

mo ba talaga ay gagawin ‘yon ng simpleng E.A lang? Of course not. Dean can always say no every

time Adam make a request to accompany you. Dahil isa pa ring Trevino si Dean, Selena. At naniniwala

akong matalino siya. Alam niyang labas na ‘yon sa trabaho niya pero parati pa rin siyang to the rescue

para sa ‘yo anumang oras, anumang araw.”

Kumunot ang noo ni Selena. “At ano namang gusto mong palabasin?”

Naiiling na natampal ni Chynna ang noo. “Ano pa nga ba? The guy is in love with you, idiot.”

Napanganga siya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.